^

Metro

Supplier ng shabu sa U-belt timbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga opera-tiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang sindikato ng droga sa University Belt kasunod ng pagkakaaresto sa big time supplier ng grupo na nasamsaman din ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-AIDSOTF spokesman, Chief Insp. Roque Merdeguia, ang nasakoteng suspek na si Barhaman Mushin, 28, tubong Zamboanga City at naninirahan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Agad pinosasan ng mga operatiba ang suspek sa aktong iniaabot ang 1.5 kilong shabu sa poseur-buyer ng AIDSOTF sa kahabaan ng Tolentino St., Sampaloc, Maynila dakong alas-6:40 ng gabi.

“The sting operation came after a week of intensified case build-up operations against the suspect who, according to the informant, caters the street drug pushers and users in University Belt area,” pahayag ng opisyal.

Nabatid na ang suspek ang nagsu-supply at nag-aalok ng shabu sa mga estudyante lalo na ang mga miyembro ng fraternity na parukyano nito sa nasabing university belt.

Sinabi ni Merdeguia na nakipag-deal ang mga ope-ratiba ng AIDSOTF sa suspek na bibili ng 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5M.

Kasalukuyan na ngayong nakadetine sa PNP-AIDSOTF sa Camp Crame si Mushin na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000.

ANG

BARHAMAN MUSHIN

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

MAYNILA

QUEZON CITY

ROQUE MERDEGUIA

TOLENTINO ST.

UNIVERSITY BELT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with