Resto sa Binondo nasunog
MANILA, Philippines - Natupok ng apoy ang isang seafood restaurant sa Binondo, Maynila, kung saan may 11 residente sa itaas ng gusali ang naipit at isa-isang ni-rescue ng mga bumbero sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 11, nagsimula ang apoy dakong alas- 4:00 ng madaling-araw sa kusina ng Golden Fortune Restaurant sa Soler st, panulukan ng Sabino Padilla Sts., Binondo na umabot sa ika-4 na alarma at naideklarang fire-out alas-6:17 ng umaga.
Sa kasagsagan ng sunog may 11 residente sa itaas ng gusali ang na-trap sa makapal na usok kung kaya gumamit ng mataas na ladder ang mga bumbero at doon isa-isa silang ni-rescue.
Posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na wala namang naitalang casualty o nasugatan.
- Latest