^

Metro

Kasambahay tumalon mula 4th floor ng bahay, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang kasambahay matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ikaapat na palapag ng bahay na pinagtatrabahuan nito dahil umano sa depression, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nasawi noon din ang  biktimang si Nelly Rosaroso, 53, stay-in kasambahay sa Solchuaga St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod­.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO2 Jayson David, ng Homicide Section, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-7:20 ng gabi sa may apat na palapag na bahay na pinagtatrabahuan ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na nasa laundry area ang biktima, na nasa ikaapat na palapag, nang bigla na lamang itong tumalon. 

Bago ang insidente, kinakitaan ang biktima na laging ma­lungkot. Hinihinalang matinding depression ang nagtulak dito para gawin ang pagpapatiwakal, gayunman patuloy pa ring sini­siyasat ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

HINIHINALANG

HOMICIDE SECTION

JAYSON DAVID

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NELLY ROSAROSO

SOLCHUAGA ST.

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with