^

Metro

Ex-call center agent, nagtangkang mag-suicide, nandamay ng 3, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dating call center agent ang inaresto matapos itong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa Metro Rail Transit (MRT),  na naging dahilan upang masu­gatan ang tatlong pasahero, kamakalawa sa Makati City.

Nasa custody ng Makati City Police si Mark Robert Connor, 31, nakatira sa Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Sa naturang insidente nasugatan ang mga pasaherong sina Elisa Aying, 45; Lolita Hermeginio, 60, biyuda at Julie Ann Tentativa, 26.

Sa reklamo ng Department of Transportation and Communication (DOTC), MRT 3 sa tanggapan ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa Southbound lane ng MRT-Ayala Station ng naturang lungsod.

Base sa salaysay ng naka­talagang guwardyang si Robert Lee Reonal, nakita niyang nagtangkang tumalon ang suspek na si Connor sa riles habang paparating ang tren. Mabuti na lamang at biglang nakapreno ang operator ng train at hindi naman ito nahagip.

Gayunman, sa lakas nang pagsubsob ng mga pasahero kung saan tatlo ang nasugatan.

Dahil dito, dinakip na si Connor at dinala ito sa himpilan ng Makati City Police  at sinampahan ito ng kasong alarm and scandals. Ang sugatan namang mga biktima ay dinala sa Ospital ng Makati, patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente. Hindi pa mabatid kung ano ang dahilan sa tangkang pagpapakamatay ni Connor.

ACIRC

ANG

AYALA STATION

CONNOR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

ELISA AYING

ERNESTO BARLAM

JULIE ANN TENTATIVA

LOLITA HERMEGINIO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with