^

Metro

5 niratrat ng tandem, kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalaga­yan ngayon sa pagamutan ang limang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima ay kinila­lang sina Eugene Loyola, 29, Jay-ar Boado, 29, Lawrence Lansuega, 23, Gene­roso Esmenia, 36 at Randy Adora, 25 pawang mga resi­dente ng Malanday, Marikina City.

Ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Memorial­ Medical Center (ARMMC) ang mga biktima na pawang nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw habang nagla­lakad ang unang apat na biktima pauwi sa kanilang bahay.

Walang sabi-sabing pinagbabaril sila ng mga suspect  saka mabilis na pinaharurot­ ng takbo ang sinasakyan nilang motor­siklo. Sinasabing nada­anan­ din ng mga suspek si Adora kaya siya man ay pinagbabaril din.

Sa ngayon ay nagsasa­gawa pa ng follow up operation ang pulisya upang madakip ang mga suspek at mabatid na rin ang kanilang motibo kung bakit nila pinagbabaril ang mga biktima.

ACIRC

ADORA

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL

ANG

EUGENE LOYOLA

LAWRENCE LANSUEGA

MARIKINA CITY

MEDICAL CENTER

MGA

RANDY ADORA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with