^

Metro

3 ‘bugaw’, tiklo ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado sa isang entrap­ment operations ng mga ka­gawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong­ suspek habang nailigtas ang tatlong menor de edad na  biktima ng  human trafficking sa Caloocan City.

Sa report, unang nadakip  ang suspek na si Yolanda Villa­gomez, alyas Yolly, kasunod  sina Richard Manahan at John Paul Dela Peña.

Ayon sa salaysay ng mga biktima sa NBI Anti-Human Trafficking Division, ibinubu­gaw sila ng suspek na si Villa­gomez sa halagang P1,500 hanggang  P2,500 kada isa sa mga kalalakihan na naghaha­nap ng aliw.

Nabatid na P500 ang napu­­punta sa suspek na si Villagomez habang tig-sandaang piso naman ang natatanggap nina Manahan at Dela Peña sa bawat kostumer ng mga biktima na inihahanap nila ng kliyente.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang NBI hinggil sa talamak na bentahan ng aliw sa Caloocan City, matapos na magpositibo sa ginawang surveillance ay agad na inilatag ng NBI at ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang ope­rasyon sa  mga suspek.

Nalaman din sa NBI na isang hotel sa Caloocan City ang pinagdadalhan ng mga suspek sa kanilang mga biktima kung saan doon nila ibibigay sa mga lalaking kostumer.

Nahaharap sa kasong pag­labag sa anti trafficking in persons act of 2003 at paglabag sa Republic Act 7610, mas kilala bilang special protection against child abuse, exploitation and discrimination act sa Department of Justice.

ACIRC

ANG

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

ATILDE

CALOOCAN CITY

DELA PE

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTER AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

JOHN PAUL DELA PE

MGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with