^

Metro

Driver utas sa resbak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang driver ma­tapos na pagtulungang pag­­­sa­saksakin ng dalawang la­laki  na naghiganti sa kanya  dahil umano sa pananakit na ginawa ng una sa isa nilang kaanak sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay nakilalang si Joel Blancia, ng Tawid Sapa 2, Phase 4, Bgry. Kaligayahan, Novaliches, sa lungsod.

Ayon kay PO3 Julius Balbuena, isa sa mga suspect ang agad na nadakip at kinilalang si Bartolo Cabilin, 33, construction worker, habang pinaghahanap ang isa pang kasamahan nitong nakilala sa alyas na Bornok Tabianan, mga residente din sa naturang barangay.

Sa ulat, nangyari ang insi­dente habang ang biktima ay nagpapahinga sa loob ng isang nakaparadang pampa­saherong jeepney dakong alas-8 ng gabi. Sabi ng isang Margie Madria, nasa loob ng jeepney ang biktima at naka­upo nang biglang dumating ang mga suspect at lapitan ito.

Mula dito ay bigla na lang hinila ni Cabilin ang buhok ng biktima, saka kinaladkad paibaba ng PUJ kung saan naghihintay naman si Tabia­nan­ saka nila pinagtulungang sak­tan. Habang nagpapambuno, biglang nagbunot ng balisong si Tabianan at tinarakan ng saksak sa likod ang biktima, saka mabilis na nagsipagtakas.

Agad namang itinakbo ang biktima sa Novaliches District Hospital pero idineklara din itong dead on arrival. Sa follow-up operation naman ng barangay ay agad na nadakip si Cabilin habang nakatakas naman ang kasama nito.

Ayon sa pulisya, nagalit umano ang mga suspect nang mabalitaang binugbog ng biktima ang kapatid ni Cabilin kung kaya binuweltahan nila ito. Patuloy ang pagtugis ng otoridad sa nakatakas na isa pang suspect.

ACIRC

ANG

AYON

BARTOLO CABILIN

BIKTIMA

BORNOK TABIANAN

CABILIN

JOEL BLANCIA

JULIUS BALBUENA

MARGIE MADRIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with