^

Metro

Emergency rescue equipments, ikakalat ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 20 container vans na naglalaman ng emergency rescue equipment ang inihahan­dang ipakalat ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa mga strategic na lugar sa Kalakhang Maynila para paghandaan sakaling tamaan ito ng lindol.

Ang naturang disaster response equipment-filled storage units o DREFSU ay nagla­laman ng iba’t-ibang tools at personal safety equipment na maaaring gamitin sa pagligtas  o pagsagip sa mga taong maaaring ma-trap sa guguhong straktura oras na tamaan ng lindol ang Metro Manila.

Sa pag-aaral ng Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), lumilitaw na sa oras na tumama ang 7.2 magnitude na lindol, karamihan sa magiging casualties ay mula mga gumuhong gusali.

Ang mga bagong set ng 20 container vans ay bilang karagdagang sa 22 kasalukuyang container vans na nakapwesto sa mga strategic na  lugar tulad ng EDSA, panulukan  Roxas Boulevard, EDSA Ortigas Avenue; Ba­lintawak-Cloverleaf; Tandang Sora Ave­nue; Navotas, Valenzuela; Abad Santos at Nagtahan sa Maynila.

Nabatid na regular umanong nagsasagawa ng inspection at inventory ang MMDA Public Safety Division upang masiguro na ang equipment ay nananatiling intact sa loob ng container vans.

Ang pre-positioning ng  disaster response storage units ay bahagi pa rin ng Oplan Metro Yakal Earthquake Response Plan ng MMDA, na dito ay magkatuwang ang MMDA, local government units, Metro Manila Risk Reduction and Management Council at iba pang grupo sa pagkilos oras na may mangyaring sakuna o kalamidad sa Metro Manila.

ABAD SANTOS

ACIRC

ANG

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METRO MANILA EARTHQUAKE IMPACT REDUCTION STUDY

METRO MANILA RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVE

OPLAN METRO YAKAL EARTHQUAKE RESPONSE PLAN

ORTIGAS AVENUE

PUBLIC SAFETY DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with