^

Metro

Privatization, joint venture magkaiba- Manila Dad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal na magkaiba ang privatization at joint venture na  ginagawa sa isang proyekto.

Sa ginanap na public hearing ng Committee on Market, Hawkers and Slaughterhouses na pinamumunuan ni Manila 3rd District Councilor Joel Chua, sinabi ni  Zarcal na tila nababahiran ng  pulitika ang  dalawang salita kung saan nagagamit pati ang mga vendors.

Ayon kay Zarcal,  ang privatization ay ang pagbebenta ng pag-aari ng  gobyerno sa mga pribadong kompanya habang ang  joint venture naman ay ang   pakikipagtulungan ng  pribadong  kompanya sa proyekto ng  pamahalaan.

Sa kaso aniya ng   San  Andres Market, isasagawa ang  redevelopment nito sa pamamagitan ng  joint  venture na nangangahulugan na  gagastusan  ng   private company ang rehabilitasyon o pagsasaayos habang  nasa kontrol pa rin ng  city government ang  pamamahala dito.

Paliwanag naman ni  2nd District Councilor Marlon Lacson, ginawa na  noon pa ang redevelopment sa Aranque Market kaya’t hindi naman umano  malaking isyu kung gagawin ang  rehabilitasyon sa ibang palengke sa  lungsod.

Aniya, kailangan na mapaayos ang mga palengke sa Maynila upang makasabay sa nagsusulputang mga  supermarket kung saan napag-iiwanan na ang mga public markets. Kailangan aniyang maging competitive ang mga  palengke ng  Maynila sa ibang pamilihan.

Ayon naman sa mga vendors, hindi sila naabisuhan  hinggil sa pagsasaayos ng  San Andres Market   kasabay ng pangamba na  tataas ang  upa sa kanilang puwesto.

Tiniyak naman ng  XRC Mall Developers, Inc na  walang pagtaas ng  bayad sa mga vendors sa loob ng dalawang taon sakaling matapos ang  proyekto at magiging minimal lamang ang   dagdag  kung magsisimula na ang  pagbabayad.

Tiniyak naman ni Chua na hindi mawawalan ng lugar ang  147 vendors na lehitimo at  nagbabayad ng  kanilang upa sa city government.

Aniya, ang kapakanan ng mga vendors ang  kanilang prayoridad sa proyekto kung kaya’t hindi na dapat pang mangamba ang mga ito. 

ANDRES MARKET

ANG

ANIYA

ARANQUE MARKET

AYON

DISTRICT COUNCILOR JOEL CHUA

DISTRICT COUNCILOR LETLET ZARCAL

DISTRICT COUNCILOR MARLON LACSON

HAWKERS AND SLAUGHTERHOUSES

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with