^

Metro

Parak kulong sa pagtakas ng Taiwanese prisoner

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang pulis-Maynila makaraang matakasan ng Taiwanese national na inireklamo ng large scale illegal recruitment at diumano’y tumalon sa pagkaka-angkas sa motorsiklo sa bahagi ng Ermita, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap  sa kasong Infidelity in the custody  of prisoner,  conniving with  or consenting  to evasion si PO2 Marlon Añonuevo, na nakapiit sa Manila Police District Integrated Jail.

Sa ulat ni Chief Insp. Arsenio Riparip, ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), isang high risk pri­soner si Michael Vincent Tan Co alyas “Sam Jasper Wang” at “Bobby Wang”, 28, ng no. 144 Leon Guinto St., Malate, Maynila na may kasong large scale illegal recruitment matapos madakip sa isang entrapment operation kamakalawa ng umaga. Nakunan ni Co ng pera ang kanyang mga biktima subalit walang naibigay na trabaho mula Taiwan.

Isasailalim muna sa medical checkup sa Ospital ng Maynila si Co subalit tumakas ito sa motorsiklong minamaneho ni Añonuevo. Agad na bumalik si Añonuevo sa MPD upang ireport na nakatakas ang suspek nang tumalon umano mula sa motorsiklo pagsapit sa Taft Ave., sa Ermita at mabilis na tumakas.

Agad iniutos ni MPD Director C/Supt. Rolando Nana na imbestigahan ang insi­dente at kasuhan si Añonuevo.

ACIRC

ARSENIO RIPARIP

ATILDE

CHIEF INSP

DIRECTOR C

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

LEON GUINTO ST.

MANILA POLICE DISTRICT INTEGRATED JAIL

MAYNILA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with