^

Metro

Barangay kagawad itinumba ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang ba­rangay kagawad ma­tapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem, na pinaniniwalaang miyembro ng drug syndicate, kahapon ng madaling- araw sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa  Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng ka­libre .45 baril sa dibdib at kaliwang braso ang biktima na nakilalang si Fer­nando ‘Boy’ Vergara, 58, kagawad ng Brgy. Panghulo ng naturang lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Lumalabas sa inisyal na report na natanggap ni Senior Supt. Se­verino Abad Jr., hepe ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-4:45 ng madaling- araw sa harapan ng isang chapel sa Panghulo Road ng naturang barangay.

Nakikipaglamay uma­­no ang biktima at kausap nito ang isa sa kaanak ng nakaburol nang dumating ang isang motor­siklo na walang plaka lulan ang mga suspect.

Bumunot ng baril ang mga suspek at walang salitang pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumulagta ito.

Matapos ang pa­mamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay kaagad  na dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Sa pahayag naman ng barangay chairman ng Panghulo na si Esmer Borja, may impor­masyon sila na si Vergara ay sangkot umano sa illegal na droga kung saan isa umano itong tulak.

Pinagsabihan pa nga aniya ito na tumigil na sa naturang iligal na gawain.

ABAD JR.

ACIRC

ANG

ESMER BORJA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

PANGHULO

PANGHULO ROAD

SENIOR SUPT

SHY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with