Metro Manila binaha na naman
MANILA, Philippines – Nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko matapos bahain ang ilang lansangan sa Kalakhang Maynila sanhi ng malakas na buhos ng ulan kahapon. Base sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gutter deep ang baha sa may area ng East Avenue sa harapan ng Kidney Center, East at Westbound. Gayundin ang EDSA, Quezon Avenue Northbound. Hanggang baywang naman ang lalim ng tubig baha sa Magallanes, Pasong Tamo sa Makati City kung kaya’t hindi nadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan bukod pa sa nagdulot rin ito ng matinding trapik.
Dahil dito’y nagmistulang paradahan ang kahabaan ng South Luzon Expressway ng may tatlong oras. Nabatid, na gutter deep din ang bahagi ng EDSA Northbound sa kahabaan ng Orense, Makati City. Sa Pasay, ang Andrews Avenue, Terminal 3 eastbound, NAIA ay gutter deep din. Habang sa Pasig, ang bahagi rin ng EDSA South and Northbound Shaw tunnels ay gutter deep. Nabatid, na una nang naglabas ang PAGASA ng thunderstorm warning sa Metro Manila at kalapit na probinsiya alas-9:00 na kung saan bumuhos ang ulan hanggang tanghali.
- Latest