^

Metro

Sunog sa Pasig: 2-M halaga ng ari-arian naabo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa P2 milyon ang  halaga ng ari-ariang naabo sa sunog na naganap makaraang uminit at sumabog ang isang insect catcher na tumupok sa 10 tahanan sa Pasig City, kahapon umaga. Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nabatid na ang sunog ay nagsimula dakong alas-5:30 ng umaga sa bahay ng isang Elmer  Unsay sa Dr. Sixto Avenue, Maybunga, Pasig City. Sinasabing mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay na gawa lamang sa light materials o kahoy. Ayon kay Junjun Concepcion, Brgy. Chairman ng Maybunga, nasa 20 hanggang 30 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nasabing sunog. Umabot sa ika-limang alarma ang sunog na idineklarang fire out ganap na alas-7:00 ng umaga. Wala naman naiulat na nasaktan o kaya’y nasawi sa nasabing sunog.

ANG

AYON

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DR. SIXTO AVENUE

JUNJUN CONCEPCION

MAYBUNGA

PASIG CITY

SINASABING

UMABOT

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with