^

Metro

Presyo ng petrolyo, patuloy sa pagbaba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad sa ika-8 pagkakataon ng bawas presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito.

Sa anunsiyo kahapon ng Pilipinas Shell, kanilang pina­ngunahan ang pagpapatupad ng bawas presyo, na epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Nabatid na bumaba ng P0.45 sa kada litro sa gasolina at diesel at nasa P1.00 kada litro naman  ang ibinawas sa kerosene.

Sumunod ring nagpatupad ng bawas presyo ang Phoenix Petroleum, na nasa P0.40 sentimos sa kada litro ng gasolina habang P0.45 naman ang ibabawas sa kada litro sa diesel na epektibo naman ng  alas-6:00 ng umaga.

Nabatid kay Ina Soriano,  ng Pilipinas Shell,  ang pagbaba sa presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa world market. Asahang magpapatupad na rin ng bawas presyo ang ibang pang oil companies.

Huling nagpatupad ng rollback ang ilang oil companies noong Agosto 4 ng taong kasalukuyan.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ASAHANG

HULING

INA SORIANO

NABATID

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

PRESYO

SUMUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with