^

Metro

MMDA nagmatigas sa anti-smoking campaign

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmatigas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may otoridad sila na magpatupad ng Anti-Smoking Campagin at manghuli ng mga lumalabag nito sa mga pampublikong lugar makaraang pagbawalan sila kamakailan ng Court of Appeals.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na malinaw sa kanya na binigyan sila ng “deputization” ng Department of Health (DOH) at ng mga local government units (LGUs) para magpatupad ng programa sa Anti-Smoking.            

Para umano sa kanila, walang legal na basehan ang naturang desisyon ngunit pag-aaralan pa umano ang isyu ng Office of the Solicitor General (OSG) at kanilang legal partners para sa susunod nilang hakbang sa isyu.

Matatandaan na nitong Hulyo 31, nagdesisyon si Associate Justice Maria Elisa Sempio-Diy, ng 12th Division ng Cana hindi kabilang ang MMDA sa mga ahensya ng pamahalaan na may otoridad para ipatupad ang Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003. 

Sa ilalim ng naturang batas, tanging ang Inter-Agency Committee-Tobacco na binubuo ng mga kalihim na Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health, Department of Agriculture, Department of Justice, Dept. of Environment and Natural Resources, Dept. of Science and Technology at Dept. of Education lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon nito.

ANG

ANTI-SMOKING CAMPAGIN

ASSOCIATE JUSTICE MARIA ELISA SEMPIO-DIY

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with