80 bagong fire trucks ipinamahagi ng DILG
MANILA, Philippines - Umaabot sa 80 mga bagong fire trucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang ipinamahagi ng tanggapan ng DILG para sa 55 probinsiya sa ginanap na turnover ceremony sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna kahapon.
Ang okasyon ay dinaluhan ng mga gobernador, alkalde at mga kinatawan ng 55 probinsya na tumanggap ng mga bagong fire trucks para magamit sa kanilang mga lugar.
Ang mga bagong brand ng fire trucks ay unang batch ng kabuuang 469 units na ipamamahagi sa mga siyudad at munisipalidad na wala pang mga firetrucks o mga luma na ang ginagamit.
Nabatid na ang kabuuang bilang ng mga biniling trucks ay binubuo ng 244 units mula sa 1,000 gallon na kapasidad ng fire trucks at 225 units naman ng 500 gallon kapasidad ng fire trucks na inaasahang maide-deliver ng DILG para mapalakas pa ang kapabilidad sa pag-apula ng sunog ng mga bumbero. (Joy Cantos with trainee Bernanikha Sambrano)
- Latest