^

Metro

Parañaque tatawaging ‘The Bay City’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatawagin na bilang “Bay City” ang Parañaque na nag­lalarawan din sa lungsod na “where life never stops”.

Ito ang pinabatid ni Mayor Edwin Olivarez, makaraang ilang world class hotel resorts and leisure destinations ang itinayo sa entertainment city sa harap ng Manila Bay.

Sinabi ni Olivarez na ang bagong label na ito ay magta-transform sa Parañaque bilang isang sleek, sophisticated and tourist friendly city na kumpleto sa mga conveniences ng ultra- modern living.

“We are confident that our new nick name, the Bay City, will make Parañaque not only the country’s top tourist and entertainment destinations but also one of the best in the whole Asia-Pacific region as well,” wika ni Olivarez.

Ang biglang pagtaas ng ekonomiya ng Parañaque ay dahil sa malaking development sa Pagcor Entertainment City, isang mixed-use complex sa Manila Bay na may world-class casinos, hotels, shopping and leisure destinations, theaters and marinas.

Ang “Bay City”, ayon sa mayor ay mula sa kanilang kagustuhang makalikha ng isang pangalan “that will be uniquely ours while also retaining the color, character and true values­ of a true Parañaqueño”.

Sinabi pa ni Olivarez na ang bagong “trademark” ng lungsod ay naangkop dahil ito ay nasa pagitan ng majestic Manila Bay at ng impressive na Laguna de Bay.

ACIRC

ANG

ASIA-PACIFIC

ATILDE

BAY

BAY CITY

MANILA BAY

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

OLIVAREZ

PAGCOR ENTERTAINMENT CITY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with