^

Metro

Nagbiro sa tulog, helper tigok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May kasabihang ‘Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising’, pero mas ma­tindi kung ang isang taong natu­tulog ay iyong bibiruin at bubulabugin.

Ito ay napatunayan nang burdahan ng saksak ang isang 35-anyos na helper ng kanyang kasamahan sa trabaho na kaniyang biniro habang natutulog  sa loob ng kanilang barracks sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Dead on the spot ang bik­timang si Carlito Macario, alyas Dagul, binata, tubong Asingan, Pangasinan at stay-in sa  Lejusan Trading,  sa Suter St., Sta. Ana.

Matapos mahimasmasan ay nagpasiyang sumuko ang suspek na kinilalang si Rodolfo Fernandez Jr., alyas Janjan, 22, tubong Guihulngan, Negros Oriental, binata at stay-in helper­ din sa nasabing tindahan. Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang gawin umano ng biktima ang pangu­ngulit sa natutulog na suspek sa loob ng kanilang barracks.

Bago ito, magkakasama umano ang biktima, suspek at iba pang kasamahan sa trabaho sa inuman na nagsimula alas- 8:00 ng gabi at dakong alas-11 ay natapos at nagsitulog na umano ang mga ito. Gayunman kinulit umano ng biktima ang natutulog na suspect sa pamamagitan nang pagsubo rito ng buto ng manok. Dito na nagi­sing ang suspect na patuloy pa ring binibiro ng biktima kung saan kumuha ng patalim ang una at inundayan ng saksak ang huli dahilan ng naging kamatayan nito.

Naalimpungatan umano ang kasamahang si Elmer Payumo sa sigaw na narinig na nakitang may hawak na 2 kutsilyo ang suspek. Nagawa pa umanong makabangon ng biktima sa kabila ng dami ng tama subalit humandusay na rin ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASINGAN

CARLITO MACARIO

ELMER PAYUMO

GLENZOR VALLEJO

LEJUSAN TRADING

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NEGROS ORIENTAL

RODOLFO FERNANDEZ JR.

SUTER ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with