^

Metro

40 bus ‘sumaklolo’ sa mga pasahero ng MRT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umarangkada kahapon ang ikalawang araw ng MRT bus project na nag­lalayong masolusyunan ang napakahabang pila ng mga pasahero ng tren.

Ito ay proyekto ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB­), ayon sa kanilang chairman na si  Winston Ginez­ kasama ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at MRT.

Kahapon 40 na bus  ang bumiyahe mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga­ mula sa North Avenue at Quezon Avenue stations ng MRT na humihinto lamang sa Ortigas at Ayala Stations.Pareho rin lang sa MRT ang pasahe.

Pumayag naman anya ang mga bus company kahit mababa ang pasahe dahil dagdag-kita ito sa kanila lalo’t coding na bus naman ang gamit sa naturang proyekto.

Sa kabila na pinayagan naman ito ng pampamu­nuan ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) pero maraming mga pasahero ang mas pinipiling pumila sa MRT dahil mas umuusad anila ito kumpara sa trapik sa EDSA.

ACIRC

ANG

AYALA STATIONS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

NORTH AVENUE

QUEZON AVENUE

REGULATORY BOARD

SHY

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with