^

Metro

Demolisyon sa Quinta Market, natuloy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang nagawa ang mga vendor ng Quinta market nang ituloy ang demolis­yon sa nasabing palengke kahapon ng umaga at sa kanilang pagmamakaawa ay sermon pa ang inabot nila mula kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Nabatid na nagawa pang magsagawa ng vigil nitong Linggo ng gabi ang humigit- kumulang sa 500 na vendor para ipakita ang kanilang pagsalungat sa planong mo­dernisasyon umano ng na­sabing palengke.

Hindi umano nila gusto na mailipat sa mistulang ‘kulungan ng manok’ na stalls na inihanda para sa kanilang mga lehitimong vendor ng Quinta market, ayon kay Edith Santos.

Naipasa umano ang resolution sa konseho dahil sa 37 konsehal ng  Maynila, tanging sina Rod Lacsamana ng 2nd District; Ali Atienza ng 5th District at Josie Siscar ng 5th District ang komontra sa pinasok na joint venture agreement  ng Manila City government sa Marketlife Management and Leasing Corp.  para mai-renovate  at patakbuhin sa loob ng 25 taon.

 “25 years hahawakan ng private sector ang aming­ palengke. Kapag hindi nakabayad sa paggawa ng palengke, additional 25 years. Magiging 50 years,”  himutok pa ni Santos.

 Nabatid na hinarang ng mga vendor ang pagdating ng demolition team dakong alas-7:00 ng umaga na nauwi sa matensyong paghaharap hanggang sa tuluyan ding masimulan ang paggigiba sa palengke dahil sa likod at sa bubungan umano dumaan ang mga gigiba nito.

Nang magtungo umano si Estrada ay nakiusap pa ang mga vendor subalit sinermunan    lamang sila sa pagsa­sabing matagal nang sira-sira ang palengke na delikado sa mga mamimili kaya dapat nang isaayos upang mapaganda ang pwesto maging ng mga vendor.  Ang mga datihang vendor din umano ang pauupahin at makikinabang dahil may listahan umano sila ng mga ito.

ACIRC

ALI ATIENZA

ANG

EDITH SANTOS

JOSIE SISCAR

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MARKETLIFE MANAGEMENT AND LEASING CORP

MGA

NABATID

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with