^

Metro

14 na youth offender nakapuga sa MYRC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ang diumano’y pagpuga ng may 14 na menor de edad na pawang may mga kasong kriminal mula sa Manila Youth Reception Center (MYRC) noong Martes (Hulyo 21) sa pamamagitan ng paglalagare umano ng steel bars ng “Mabait Dorm”.

Nabatid na lumiham si Manila 5th District Councilor Ali Atienza at 2nd District Councilor Rod Lacsamana kay Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, Justice Secretary Leila de Lima  at sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nasabing pagtakas ng 14 na youth offenders na ang ilan ay naghihintay na lamang ng commitment order mula sa korte upang ilipat sa Manila City Jail (MC) dahil tutuntong na sa edad na 18.

Ayon sa ulat na natanggap ng dalawang konsehal, ang mga nakatakas ay may mga kasong robbery, murder at iligal na droga, na pawang mabibigat ang parusa.

Ala-1 ng madaling araw ng martes nang makapuga ang mga kabataan at nakitang nilagare ang steel bars ng kanilang detention facility.

Kabilang sa posibleng managot ang tumatayong house parents at mga miyembro ng city security force (CSF).

ANG

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT SECRETARY DINKY SOLIMAN

DISTRICT COUNCILOR ALI ATIENZA

DISTRICT COUNCILOR ROD LACSAMANA

HULYO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MABAIT DORM

MANILA CITY JAIL

MANILA YOUTH RECEPTION CENTER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with