^

Metro

357 prangkisa ipinamahagi kolorum na tricycle mawawala sa Maynila-Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na mawawala na ang kolorum na mga tricycle sa lungsod ngayong naipamahagi na ang 357 prangkisa ng mga tri-wheel.

Ayon kay Moreno, sa prangkisa na ibinigay ng  Manila Tricycle Regulatory Office ay unti-unti na ring magluluwag ang daloy ng  trapiko lalo pa’t ang mga tri-wheel ang siyang  isa sa mga nirereklamo ng mga private  utility vehicles.

Hindi umano makilala ang mga lehitimo at kolorum kung kaya’t walang mapa­nagot sa anumang aksidente.

Nabatid kay Moreno na mayroong mga ruta ang tricycle na naaayon sa kanilang kinaaanibang TODA. May color coding din ang mga tri-wheel sa lungsod.

Hindi umano maaaring pumasok ang mga ito sa anumang TODA dahil iniiwasan ang pagtawid sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Sinabi naman ni Manila Traffic and Parking Bureau Director Carter Don Logica na handa rin silang imonitor ang mga tri-wheel na lalabag sa  ordinansa. Aniya, P500 hanggang P1,000 ang unang multa hanggang sa tanggalan na sila ng  prangkisa.

Ang Manila T-Wheel Ordinance ay inakda nina Councilors Robert Ortega at Mon Yupangco.

ACIRC

ANG

ANG MANILA T-WHEEL ORDINANCE

ANIYA

COUNCILORS ROBERT ORTEGA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU DIRECTOR CARTER DON LOGICA

MANILA TRICYCLE REGULATORY OFFICE

MGA

MON YUPANGCO

MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with