^

Metro

Death penalty vs illegal drugs, aprub kay Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibalik ang death penalty.

Ito ang binigyan-diin ni  Manila Mayor Joseph Estrada kung saan sinabi nito na napapanahon na upang ipatupad ng administrasyong Aquino ang death penalty sa mga kasong may kina­laman sa illegal drugs.

Ayon kay  Estrada, maraming buhay ang  nasasayang sa  iligal na droga na  umano’y laganap na  sa Maynila. Aniya, hindi biro ang kaso ng  droga kaya’t dapat nang kumilos ang gobyerno upang  puksain ito   upang hindi na madamay pa ang mga kabataan.

Nakababahala umano ang istadistika ng  Phi­lippine Drug Enforcement Agency na 90 porsi­yento na ang lawak ng operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Kaya’t abut-abot naman ang apela ni Estrada sa mga barangay officials na makipagtulu­ngan sa mga  pulis at city officials upang  agad na maresolba ang  illegal drugs sa kanilang mga nasasakupan.

 Maaari  lamang ibigay ng mga residente o barangay officials ang impormasyon ng kanyang  constituent na sangkot sa droga at ang pulis na ang siyang tututok dito.

Dagdag pa ni Estrada na ang illegal na droga ang kadalasang nagiging dahilan ng iba’t- ibang nagaganap na karumal-dumal na krimen kabilang na ang pagpatay at panggagahasa.

ACIRC

ANG

ANIYA

AQUINO

AYON

DAGDAG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

IBALIK

ITO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with