^

Metro

Traffic re-routing sa SONA, inilabas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling isasara sa trapiko ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang isang parte ng Commonwealth Avenue bilang bahagi ng traffic plan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa darating na Lunes.

Sa anunsyo, isasara ang north bound lane ng Commonwealth Avenue mula Ever Gotesco hanggang St. Peter Church habang maglalagay naman ng zipper lane sa south bound lane umpisa alas-3 ng madaling araw sa Lunes.

Upang hindi mabalahaw sa trapiko, pinayuhan na lamang ng MMDA ang mga motorista na umiwas na lamang sa mga apektadong lugar lalo na ang may mga demonstrasyon.

Sa mga dumaraan sa North Avenue, pinayuhan na dumaan sa Mindanao Avenue kanan sa Quirino Highway hanggang destinasyon.

Sa mga galing EDSA, ku­manan sa Congressional Ave­nue kaliwa sa Mindanao Ave­nue, kanan sa Old Sauyo Road, diretso sa Don Julio Gregorio at Republic Avenue, kaliwa sa Chesnut, kanan sa Dahlia Avenue kaliwa sa Fairlane o Regalado Avenue hanggang sa destinasyon.

Nasa 1,200 tauhan umano ang ikakalat ng MMDA upang mamahala sa trapiko, rumes­ponde sa emergency, maglinis at umalalay sa pulisya.

ACIRC

AVENUE

COMMONWEALTH AVENUE

CONGRESSIONAL AVE

DAHLIA AVENUE

DON JULIO GREGORIO

EVER GOTESCO

METROPOLITAN MANILA DEVE

MINDANAO AVE

MINDANAO AVENUE

NORTH AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with