^

Metro

Matapos masawi ang may 72 katao sa sunog Gatchalian, BFP, Kentex owner, pinakakasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng Department of Justice (DoJ) si Valenzuela­ City Mayor Rexon Gatchalian kasama ang ilang fire officials, ilan pang indibiduwal at ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation kaugnay sa pagkasunog ng  nasabing warehouse na ikinasawi ng  72 katao noong Mayo sa Valenzuela City.

Kasama rin sa pinakakasuhan ng DOJ ang may-ari at mga kawani ng kompanyang nagsagawa ng pagwe-welding na naging dahilan ng sunog.

Ang DOJ panel of prosecutors na nag-imbestiga at duminig sa kaso ay kinabibilangan nina Senior Assistant State Prose­cutor Roberto Lao, Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas, ASP Ma. Cristina Barot, State Counsel III Margarette Robles, SC II Consuelo Corazon Iazzuacan at SC I Dioxenos Sulit. Ang rekomendasyon ng lupon ay ibinatay sa mga nakalap na testimoniya, documentary evidence na galing sa  mga investigating agencies.

Base sa resolusyon ng DOJ, kabilang sa pinakakasuhan ng multiple homicide at ng multiple physical injuries alinsunod sa Article 365 ng Revised Penal Code ay sina Terrence King Ong, Kentex operations manager; Oscar Romero, kawani ng Ace Shutter­ Corp., ang kumpanya na nagsagawa ng welding sa Kentex; Wilmer Arcenal, Ace Shutter Corp at Rosalina Uy Ngo, ang may-ari  ng Ace Shutter Corp.

Ang mga manager, mga  opisyal at may-ari ng Kentex na sina Ong King Guan at Beato Ang, ay maaari ring idemanda sa sanda­ling  mapatunayan na sila ay may pagkukulang sa insidente.

Samantala, pangunahing pinakakasuhan ng paglabag sa Section 11.2.a (4) at sa (5) ng Republic Act 9514 ng Fire Code of the Philippines ay sina: Mayor Gatchalian; Atty. Renchi May Padayao­, officer-in-charge ng Business Permit and Licensing Office­ (BPLO) ng Valenzuela City; Eduardo Carreon, ang licensing­ officer­ IV  ng  BPLO ng Valenzuela City

Habang pinapanagot naman sa paglabag sa Section 11.2.a (1) and (8) ng  Fire Code sina: Fire Supt. Mel Jose Lagan, Valenzuela City Fire Marshal; F/Sr. Insp. Edgrover Oculam, chief of the Fire Safety Enforcement Section ng  Valenzuela City Fire Station at  SFO2 Rolando Avendan, fire safety inspector ng Valenzuela City Fire Station

 Inirekomenda rin na idemanda ng hiwalay na kaso ng pag­labag sa Section 3 (3) ng RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina  Gatchalian, Padayao, Carreon, Lagan, Oculam at Avendan.

Bukod sa mga nabanggit na opisyal at mga pribadong indibiduwal, isasalang din sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment-National Capital Region dahil sa pagpapalabas nila ng certificate of compliance  noong Sep­tember 14 sa Kentex.

vuukle comment

ACE SHUTTER

ACE SHUTTER CORP

ACIRC

ANG

FIRE

KENTEX

MGA

NBSP

SHY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY FIRE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with