^

Metro

‘No registration, no travel policy’ unconstitutional: LTO sinopla ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil  labag umano sa Saligang Batas, hindi susundin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ipinatutupad na polisiya ng Land Transportation Office (LTO) na “no registration, no travel policy” na sinimulan kahapon ng Miyerkules Santo.

Sa ipinadalang sulat ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa LTO, nakasaad dito na ang kautusan aniya  ng naturang ahensiya ay unconstitutional, wala sa timing at hindi maka-Kristiyano sa kabila na dagsa ang mga biyahero para magtungo sa mga probinsiya upang doon gunitain ang Semana Santa.

 “May mga sasakyan na walang plaka, ’yun ang dapat hulihin dahil may intent na gamitin sa masama si­guro ’yun pero ’yung walang plaka dahil hindi ka nabigyan ng plaka ng dealer­ship, wala ka namang intensyon na masama,” pahayag ni Tolentino.

 “Sana isinaalang-alang muna ng LTO na Semana Santa ngayon at tulu­ngan muna ang ating mga kababayan at ang kanilang mga pamilya na makabiyahe papuntang probinsiya bago nila ipinatupad ang patakarang ito,” dagdag pa ni Tolentino.

Aniya, dapat i-recon­sider ng LTO ang kautusang ito nang sa gayun matulungan ang publiko lalo na ’yung mga magtutungo sa mga probinsiya na magamit ang kanilang mga sasakyan.

Ang naturang polisiya ay pinalagan din ng ilang may-ari ng mga bagong sasakyan, kasabay nang pagsasabing hindi nila kasalanan kung bakit delay ang pagbibigay ng regis­tration sa kanila dahil ang may responsibilidad aniya nito ay ang mismong naturang ahensiya.

ACIRC

ANG

ANIYA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

MIYERKULES SANTO

SALIGANG BATAS

SEMANA SANTA

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with