^

Metro

Maagang penitensya ng motorista presyo ng petrolyo muling tumaas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang makakaranas ng penitensiya ang publiko lalo na ang mga motorista makaraang sa ikatlong pagkakataon sa buwan ng Marso ay muling nagpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw ng Martes, Marso 31.

Ito ay pinangunahan ng  Pilipinas Shell, na nagtaas ng halagang P1.10 sa kada litro ang gasolina, P0.60 naman kada litro sa diesel at P0.80 naman sa kerosene na epektibo ito kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.

Sumunod na ring nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum, na kahalintulad din ng halaga ng SeaOil at Pilipinas Shell at epektibo naman ito ng alas-6:00 ng umaga.

Nabatid na ito ang ikatlong oil price hike ngayong buwan ng Marso.

ALAS

ANG

ARAW

ITO

MAAGANG

MARSO

NABATID

NAMAN

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

SUMUNOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with