^

Metro

‘Clamping’ iwas suhol, korapsiyon- Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Obama
President Obama has released the final budget proposal of his presidency
Michelle Branch

MANILA, Philippines - Iwas suhol at korupsiyon ang ipinatutupad ngayon  ‘clamping’ sa lungsod ng  Maynila.

Ito naman ang binigyan diin ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, kasabay ng kanyang panawagan sa mga motorista na makiisa sa kanilang bagong kampanya upang maibsan ang  masikip na daloy ng trapiko.

Ayon kay Moreno, ang  may ari ng sasakyan na  ng tire clamp ang direktang makikipagtransaksiyon sa city hall at tutubos  kung saan  hahanapin ang traffic enfor­cer na may dalang susi saka pa lamang  ito matatanggal.

Paliwanag ng bise alkalde, clamping ang kanilang  ipinalit sa towing na kabi- kabila ang reklamo dahil na rin sa umano’y harassment at pangingikil ng mga enforcer.

Subalit sa clamping,  wala ng susuhulan o magkikipagtransaksiyong traffic enforcer ng  Manila  Traffic and  Parking Bureau (MTPB) sa mga illegally parked na sasakyan.

Layunin ng clamping na maipakita ang  transparency ng pakikipagtransakyon ng mga  motorista sa  pagtubos sa kanilang mga sasak­yan.  Aniya, malaking halaga ang P900 na multa sa mga sasak­yan malalagyan ng  clamp kaya’t pinapayuhan niya ang mga motorista na mag-park ng kanilang sasak­yan sa mga lugar na inilalaan o maging sa mga mall.

Giit ni Moreno, nais lamang nilang  disiplinahin ang mga motorista na nasanay ng  pagpa-park sa mga lugar na ipinagbabawal na nagi­ging dahilan ng  pagsisikip ng mga lansangan.

Umapela rin si Moreno sa mga motorista na makiisa sa kanilang kampanya dahil mas marami pa ang  makikinabang dito.

 

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

GIIT

ITO

MGA

MORENO

NBSP

PARKING BUREAU

PRESIDENT OBAMA

WHITE HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with