^

Metro

Biyahe ng MRT-3, suspendido sa Mahal na Araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suspendido rin ang mga biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa Mahal na Araw.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Atty. Hernando Cabrera, ang operasyon ng MRT-3 ay suspendido mula Abril 2 (Huwebes Santo) hanggang Abril 5 (Linggo ng Pagkabuhay).

Maaga ring titigil ang ope­rasyon ng MRT-3 sa Abril 1 (Miyerkules Santo).

Ayon kay Cabrera, ang huling biyahe ng MRT-3 sa North Avenue Station sa Miyerkules Santo ay alas-7:40 lamang ng gabi habang ang last trip naman sa Taft Avenue station ay alas-8:20 ng gabi.

Layunin ng suspen­syon ng biyahe ng MRT-3 na bigyang-daan ang maintenance ng mga tren at riles upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Una nang nag-anunsyo ang LRT line 1 at 2 na magsususpinde ng biyahe mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Maaga rin ang huling biyahe nila sa Miyerkules Santo na alas-8:00 lamang ng gabi sa magkabilang linya.

Magbabalik ang regular na operasyon ng MRT-3, at LRT-1 at 2 sa Abril 6, Lunes.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Baclaran, Pasay City at Roosevelt, Quezon City, habang ang LRT-2 ang nagkokonekta sa Recto sa Manila at Santolan sa Pasig City.

Samantala ang MRT-3 naman ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, mula sa Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue sa Quezon City.

ABRIL

AYON

HERNANDO CABRERA

HUWEBES SANTO

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MIYERKULES SANTO

PASAY CITY

QUEZON CITY

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with