68-anyos na lola, lasog sa cement mixer
MANILA, Philippines – Lasog ang isang 68-anyos na lola matapos itong masagasaan at magulungan ng isang cement mixer, kahapon sa Makati City.
Nakilala ang nasawi na si Rosalinda Lastico, nakatira sa Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.
Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na si Mark Aquino, 34, ng San Rafael III, Noveleta, Cavite.
Ayon sa report ni Makati City Police Sub Station 7 Officer-In-Charge (OIC), Police Chief Inspector Eligio Balictar, naganap ang insidente alas-10:00 ng umaga sa panulukan ng Kalayaan Avenue at Jacinto St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang siyudad habang ang biktima ay papatawid sa naturang lugar nang mahagip ng isang cement mixer ( UQY-440) na minamaneho ni Aquino kung saan nagulungan pa ito.
Dahil sa insidente, kaagad itong ipinagbigay-alam sa mga pulis at pagresponde ng mga ito ay dito nila naabutan ang biktimang si Lastico na nasa ilalim ng gulong ng naturang cement mixer habang kaagad namang dinakip ang suspek na si Aquino. Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.
- Latest