^

Metro

Pagbigat ng trapik sa SLEX at NLEX, nagsimula na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dagsa na ang mga sasakyan at nagsisimula nang bumigat ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at sa South Luzon Expressway (SLEX) kahapon.

Bagamat ayon sa SLEX Traffic and Safety Ma­nagement chief Chito Sibol na nararamdaman na ang volume­ ng mga sasakyang patungo sa south, kaya pa naman umano nilang ma-manage ang traffic.

Mula noong Biyernes ng gabi, mahigit sa 300,000 sa­sakyan ang dumaan sa SLEX. Nasa 245,000 lamang ang regular na dumadaan dito.

Dahil nga rito, nagdagdag na rin sila ng ambulant teller partikular sa Calamba at Sto. Tomas Toll Plaza. Pwede rin umanong magbayad ng toll sa mga gasolinahan sa kahabaan ng SLEX.

Malaking bagay umano at makakabawas sa pagsisikip sa mga toll gate kung maghahanda na ang mga motorista ng eksaktong bayad.

Sa NLEX naman, magpa­patupad naman rito ng express exit card para lalong mapabilis ang biyahe.

Matapos umano na ma­kabayad sa Bocaue Toll Plaza­, kailangang bumili ng card sa gasolinahan sa NLEX. Gamit ang card, hindi na kailangan pang huminto sa Dau Toll Plaza dahil sa Ma­balacat na ibibigay ang stub.

Mas inaasahan pang mas bibigat at madaragdagan ang volume ng mga sasakyan sa Martes, Marso 31 at Miyer­kules Santo hanggang sa Huwebes Santo­ sa Abril 2.

BOCAUE TOLL PLAZA

CHITO SIBOL

DAU TOLL PLAZA

HUWEBES SANTO

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SHY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

TOMAS TOLL PLAZA

TRAFFIC AND SAFETY MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with