Clearing operation sa bumagsak na girder launcher, itinuloy
MANILA, Philippines – Muling itinuloy kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw ang clearing operation hinggil sa bumagsak na girder launcher mula sa ginagawang NAIA Expressway Project sa panulukan ng Andrews Avenue at Tramo St., Pasay City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-4:00 kahapon ng madaling-araw natanggal ang isa sa dalawang bahagi nang bumagsak na girder launcher.
Kinailangan pa umanong hatiin ito sa tatlo para maisakay sa trailer truck.
Pansamatala munang itinigil ang clearing operation dahil magdudulot na naman ito ng matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa naturang lugar at muling itutuloy ang clearing operation hinggil sa bumagsak na girder launcher alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw upang maiwasang magsikip ang trapiko at hindi maging delikado para sa mga motorista.
- Latest