Bagong director ng BFP, itinalaga
MANILA, Philippines – Pormal ng itinalaga bilang bagong hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) si Fire Chief Supt Ariel A. Barayuga matapos ang pagiging officer in charge nito sa kagawaran sa loob ng apat na buwan.
Ang pagiging over all chief o director ng BFP ni Chief Supt. Barayuga ay base sa kautusan ni Pangulong Benigno C. Aquino III kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may petsang March 20, 2015.
Si Barayuga ay ang ika-8 hepe na naitalaga sa BFP mula nang aprubahan ang Republic Act 6975, DILG act of 1990, habang ang iba ay naitalaga bilang officer in charge.
Bago ang kanyang pagkakatalaga, nanilbihan si Barayuga bilang OIC ng BFP sa loob ng apat na buwan at umangat ang ranggo nito sa two-star general, isang posisyon na nagbibigay sa kanya ng kabuuang awtoridad para ipatupad ang responsibilidad sa kagawaran bilang Fire Director, Doctor of Philosophy, major in public administration.
Ang bagong hepe ng BFP na pumasok sa serbisyo bilang bumbero noong 1988, at naitalaga na rin sa iba’t ibang sangay ng kagawaran tulad ng pagiging Regional Director.
Magsisilbi sa kagawaran si Barayuga sa loob ng isang taon, bago ang mandatory retirement nito sa April 2016.
- Latest