^

Metro

Brownout sa Metro Manila naranasan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaranas ng pito hanggang walong oras na brown- out o power interruption sa maraming bahagi ng Metro Manila kahapon na magta­tagal hanggang ngayong araw na ito ng Martes.

Sa ipinalabas na advi­sory­ ng pamunuan ng Manila Electric Company (Me­ralco) nabatid na walong oras na nawalan ng supply ng kur­yente sa Parañaque City na nagsimula ng alas-10:00 ng gabi noong Linggo hanggang alas-6:00 ng uma­ga kahapon partikular sa T. Alonzo St., dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste.

Pitong oras namang nawalan ng supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Pasig City, Makati City at Las Piñas dahil sa rehabilitation works ng mga tauhan ng Meralco.

Kabilang sa mga lugar na nakaranas ng pitong oras na power interruption mula alas-11:00 ng gabi hanggang ngayon alas-6:00 ng umaga ay ang Urbano Velasco St., Salandan St., sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig City.

Sa Makati City ay alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon ay nawalan naman ng supply­ ng kuryente sa Aranga St,; Mayapis St.; Sampaloc St.; Camachile St.; St. Paul St.; at Bakawan St., sa Brgy. San Antonio.

Sa Las Piñas ay nawalan naman ng kuryente dakong alas-8:00 ng umaga kahapon hanggang alas-3:00 ng hapon sa Libra St., Pamplona Park Subdivision sa Brgy. Pamplona II.

Habang sa Parañaque ay limang oras na naranasan ang power interruption na nagsimula ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw sa kanto  ng Quirino Ave.; Bayview Garden Homes; Villa Carolina Townhomes; Jose Abad Santos; Clipper Ave.; Librada Avelino; Katigbak Drive at Bayview Drive sa Brgy. Tambo.

ALAS

ALONZO ST.

ARANGA ST

BAKAWAN ST.

BAYVIEW GARDEN HOMES

BRGY

CAMACHILE ST.

CLIPPER AVE

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with