4 na tulak tiklo
MANILA, Philippines – Apat na hinihinalang mga kilabot na tulak ng iligal na droga ang naaresto sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa lungsod ng Navotas.
Sa ulat ng Navotas City Police na nakilala ang mga nadakip na sina Danilo Cruz, Jr., alyas “Butchoy”, 33, binata; Romel Felices, 32, binata, kapwa residente ng #100 Interior Brgy. Bagumbayan South; Ernesto Andres, alyas “Jeng-jeng”, 51, ng C4 Road, Brgy. Bagumbayan North at Richard Manuel, 38, ng Gozon St., Brgy. Tugatog, Malabon City.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group sa may Brgy. Bagumbayan South dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon.
Nagpanggap na buyer ang isang miyembro ng pulisya at nagkabayaran para sa isang maliit pa pakete ng iligal na droga. Hindi na nakapalag sina Cruz at Felices nang sumulpot ang iba pang mga pulis sa paligid at dakpin ang dalawa. Nakumpiska sa kanila ang apat na maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy-bust.
Dakong alas-6:45 ng gabi naman nang maaresto si Andres sa buy-bust operation sa C4 Road, Brgy. Bagumbayan North. Nakuha sa posesyon nito ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money. Sa ikinasa namang buy-bust dakong alas-4:45 ng hapon ay nadakip si Manuel sa may Pescador Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North.
Nakumpiska sa poses yon nito ang apat na maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang droga.
Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest