^

Metro

Kagawad, 2 tanod hinoldap habang nagpapatrulya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang kagawad ng ba­rangay at dalawang tanod ang hinoldap ng miyembro ng ‘Bahala na Gang’ habang ang mga ito ay nagpa­patrulya, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Nagreklamo sa Manila Police District Station 9 sina Josephine Picayo, 49, Bgy. Kagawad ng  Brgy. 705 Zone 77; Tito Vargas, at Ludivico Mondala, kapwa tanod ma­tapos na tutukan ng baril at sapilitan kunin ang  ang kanilang cellphone at P1,500 na cash ng suspek na si Ryan Christian Canoy, 18, ng #1 Maria Orosa St., Malate.

Batay sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang tatlo dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng San Andres sa Malate, nang bigla umanong sumulpot ang arma­dong suspek, saka sila tinu­tukan ng baril.

Kaagad naman nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa pinangyarihan at namataan nila ang suspek na naglalakad.

Nabawi naman sa suspek ang kinulimbat nito sa mga biktima habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.

vuukle comment

BAHALA

BATAY

JOSEPHINE PICAYO

LUDIVICO MONDALA

MANILA POLICE DISTRICT STATION

MARIA OROSA ST.

RYAN CHRISTIAN CANOY

SAN ANDRES

TITO VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with