^

Metro

Trader utas sa ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 31-anyos na negosyante nang barilin sa mukha ng isang hindi pa kila­lang salarin habang naglalakad patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan  sa panulukan ng Carriedo at Bustos Sts., Sta. Cruz, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) habang sinusubukang isalba­ ang biktimang kinilalang si Fritz Linjohn Chu, negos­yante at residente ng Block 5, Lot 7, Garden City, Sucat, Parañaque City.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor­ Vallejo, naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi kama­kalawa sa Carriedo St.

Pauwi na umano ang biktima at habang patungo sa kanyang sasakyan na Toyota Vios   na nakaparada sa ibaba ng LRT Carriedo station nang biglang sumulpot sa kanyang  likuran ang gunman.

Nabatid na noong nakalipas na linggo umano ay may nagalit na kos­tumer sa biktima at bago umalis sa kanyang repair shop ay nagbanta na “Kayang-kaya kitang patayin!”, habang isang  parking boy din naman ang nakaalitan din ng na­sawi may tatlong  linggo na ang nakakalipas  sa Rizal Avenue, malapit lamang sa tindahan nito na Chu Tech Solution na nasa ground floor ng Parkson Square sa Rizal Avenue. Sa dalawang insidenteng ito nakatutok ang mga awtoridad.

Nagtamo ng tama ng bala sa ilong ang biktima at duguang bumagsak kaya isinugod sa pa­gamutan pero hindi rin naisalba ang buhay nito.

vuukle comment

BUSTOS STS

CARRIEDO

CARRIEDO ST.

CHU TECH SOLUTION

FRITZ LINJOHN CHU

GARDEN CITY

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

RIZAL AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with