^

Metro

Paglutas sa kaso ng pinatay na Bgy. Chairman pinamamadali

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinamamadali na ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang paglutas sa kaso ng pagpatay kay Bgy. Chairman Oliver Franco ng riding in tandem sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

Ayon kay Moreno,  inatasan niya si Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Rolando Nana na lutasin sa lalong madaling panahon ang kaso upang mabigyan ng  hustisya ang pagkamatay  ni  Franco na maitu­turing na isa sa magagaling na Bgy. Chairman ng lungsod.

Si Franco  ng  Bgy. 349 Zone 35, ay pinagbabaril  ng anim  na beses sa  ulo at katawan noong Marso  6 sa panulukan ng Antipolo at Felix Huertas Sts. sa Sta. Cruz, Maynila habang inaasikaso ang kanyang proyekto sa barangay.

Droga naman ang  isa mga tinitignang anggulo ni Nana lalo pa’t mahigpit ang kampanya ni Franco  laban dito kaya’t naging landslide ito sa election noong 2010 at 2013.Sinabi ni Nana na gun-for hire ang mga suspek na tumira kay Franco.

Kaugnay nito, kinondena naman ng  konseho ng Maynila ang brutal na pamamaslang kay Franco.  Anang konseho, kailangan agad na mapanagot ang  responsible sa pamamaslang  kay Franco.

Kabilang sa mga   nanguna ay sina Councilors John Marvin “Yul Servo” Nieto,  Ma. Asuncion “Re” Fugoso, Joel Chua, Bernardito Ang, Ernesto Isip, Jr., Manuel Zarcal, Salvador Philip Lacuna, Edward Maceda, Ernesto Dionisio, Jr., Raymundo Yupangco, Rolando Valeriano at Roberto Ortega, Jr.

BERNARDITO ANG

BGY

CHAIRMAN OLIVER FRANCO

COUNCILORS JOHN MARVIN

CRUZ

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDWARD MACEDA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with