^

Metro

Herbal medicine, pampalaglag sinunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinunog ng Manila Action Special Assignment (MASA) ang bultu-bultong mga herbal medicine at pampalaglag na nakumpiska nang salakayin ang kahabaan ng  Evangelista St. at  Quezon Blvd sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., ang bentahan ng  mga  herbal medicine at iba pang uri ng pam­palaglag ay labag sa kautusan ng simbahan lalo pa’t nasa paligid ito ng  simbahan ng Quiapo.

Nabatid kay Irinco na  personal na nagtungo si Msgr. Clemente Ignacio kay Manila Mayor Joseph Estrada hinggil sa bentahan ng  iba’t ibang  uri ng mga pampalaglag.

Kabilang sa mga nakumpiska ay mga sanga, tangkay, mga dahon, de boteng   herbal medicine at maging ang Cytotec.

Giit naman ni  Ignacio, hindi naman tama  na nasa paligid pa ng  Quiapo church ang  mga gumagawa ng paraan upang  makitil ang  buhay ng  mga walang muwang na sanggol  habang patuloy naman ang  pangaral ng simbahan na magparami at mamuhay ng sapat.

Nabatid na hindi lamang mga pampalaglag at herbal medicine ang nakuha kundi maging ang  iba’t ibang uri ng  sex gadgets­ na maaari namang  magdulot ng pagkamatay ng  gagamit sa posibilidad na maiwan sa loob ng kanilang  ari.

Tiniyak naman ni Irinco na  tuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa  bentahan ng mga pampalaglag  hindi lamang sa Quiapo kundi maging sa paligid pa ng ibang simbahan sa  lungsod.

vuukle comment

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CLEMENTE IGNACIO

EVANGELISTA ST.

IRINCO

MANILA ACTION SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with