^

Metro

Mayor Junjun pinayuhang harapin ang imbestigasyon sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag na ito matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay­ habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6 billion Makati Parking Building.

Dinepensahan ni Belmonte ang desisyon ng graft court na kasuhan ang mag-amang Binay at 22 pang indibidwal.

Ayon kay Belmonte, hindi magsasampa ng reklamo ang mga imbestigador ng Ombudsman laban sa mga respondents kung walang matibay na ebidensiya ng graft and corruption laban sa mga akusado. 

Ayon sa batas, kaila­ngang isilbi kay Mayor Binay ang preventive suspension order sa loob ng 5 araw ma­tapos itong palabasin ng tanggapan ng Ombudsman.

AYON

BELMONTE

BINAY

DINEPENSAHAN

DISTRICT REPRESENTATIVE CHRISTOPHER BELMONTE

MAKATI MAYOR ERWIN

MAKATI PARKING BUILDING

MAYOR BINAY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with