^

Metro

Hindi sumunod sa P10 fare rollback 5 taxi operators, pinagpapaliwanag ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB­) ang operator ng limang taxi units na napatunayang hindi sumunod sa kautusan ng ahensiya hinggil sa pagba­baba ng P10 sa flag­down rate ng naturang sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, papa­dalhan ng ahensiya ng show cause order ang naturang mga taxi operators upang magpaliwanag kaugnay sa pag-isnab na sundin ang bawas na P10 sa flag-down rate sa taxi nationwide.

Anya, ginawa ang hakbang bunga na rin ng pag­dagsa ng mga reklamo  sa kanilang twitter­ account ka­ugnay ng bawas pasahe sa taxi.

Sinasabing ang ilan sa mga naireklamo na hindi  nagbawas ng pasaheng taxi unit ay ang Yellow dragon taxi; Tuasco taxi, Nine star taxi at ang dalawang taxi na may plakang TYV 299 at AYS -494.

Habang pinagpapa­liwanag ang taxi operators ng na­turang mga sasakyan ay inutos na ni Gines ang pagsuspinde sa drivers license ng mga driver nito at grounded ang taxi unit na nairereklamo.

Niliwanag din ni Gines na plano ng ahensiya na mag­bigay ng libreng sticker sa mga taxi operators para ilagay sa kanilang unit bilang pagbi­bigay alam sa publiko na may P10.00 bawas sa kabuuang taxi fare ng bawat pasahero ng naturang sasakyan.

vuukle comment

ANYA

AYON

CHAIRMAN WINSTON GINES

GINES

HABANG

LAND TRANSPORTATION FRAN

REGULATORY BOARD

SHY

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with