^

Metro

Paggunita sa International Women’s Day PHLPost saludo sa mga kartera

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month and International Women’s Day kahapon, pinapurihan naman ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang lahat ng mga babaeng postal workers sa bansa.

Ayon kay Postmaster General Josie Dela Cruz, na kauna-unahang babae na postmaster, saludo siya sa mga kartera at babaeng empleyado sa bansa na walang sawa sa paghahatid  ng sulat ng mga Filipino saan mang panig ng bansa.

Sinabi ni Dela Cruz, na malaki ang pagbabago at pag-unlad ng PHLPost lalo pa’t umaabot na sa 300 kababaihan ang naitalaga bilang kartera sa buong bansa.

Binigyan diin ni Dela Cruz, na kung dati ay pawang trabaho ng kalalakihan ang pagde-deliver ng sulat, binago at binuksan na ito para sa oportunidad sa mga kababaihan.

Nilinaw ni  Dela Cruz na kailangan ding ligtas sa mga kababaihan ang mga lugar na kanilang pupuntahan.

Kailangan aniyang  ma­ging pantay-pantay ang pagtingin sa trabaho upang mas maging maayos at maunlad ang bansa.

 

AYON

BINIGYAN

DELA CRUZ

KAILANGAN

KASABAY

MONTH AND INTERNATIONAL WOMEN

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

POSTMASTER GENERAL JOSIE DELA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with