^

Metro

Binata sugatan sa nakasalubong na grupo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papauwi na lamang sa bahay nang abutin pa ng malas ang isang 18-anyos na binata nang saksakin sa kili-kili ng nakasalubong na grupo ng kalalakihan, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Naisugod ng kaniyang kasamang pinsan sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital, ang biktimang si Robert Reyes, ng no. 898 Quezon Boulevard Sta. Cruz, Maynila dahil sa tama ng saksak sa ibabang bahagi ng kili-kili.

Hindi naman nasaktan ang pinsan nitong si Ernie Hubajeb,18, na siyang nagsugod sa hospital sa biktima.

Sa ulat ni Supt. Aldrine Gran, hepe ng Manila Police District-station 3, alas-4:20 ng madaling-araw nang maganap ang insi-dente  sa kahabaan ng Que­zon Boulevard, sa bahagi ng Sta. Cruz.

Pauwi umano mula sa isang birthday party sa Tondo  ang dalawa nang maisipang kumain muna sa karinderya at sa paglalakad pauwi nang makasalubong ang grupo ng mga suspek na unang kinursunada sila hanggang sa makipagtalo umano ang biktima.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at inun­dayan ang biktima at saka nagsitakas.

ALDRINE GRAN

CRUZ

ERNIE HUBAJEB

ISA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

QUEZON BOULEVARD STA

ROBERT REYES

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with