^

Metro

Biyahe naman ng LRT-2, nagka-aberya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mga aberya sa MRT-3, ang biyahe naman ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang nagkaroon ng aberya, kahapon ng umaga.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nagkaroon ng technical problem ang isa sa mga bagon ng LRT-2 sa pagitan ng Pureza at Legarda Station sa Maynila dakong alas-7:18 ng umaga.

Umabot ng 20 minuto ang aberya bago tuluyang naibalik sa normal ang operasyon ng LRT-2 na ikinainis ng maraming pasahero.

Agad naman humingi ng pang-unawa at paumanhin  si Cabrera sa mga naapektuhang pasahero dahil sa idinulot na abala ng naganap na aberya. Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay ng rota sa Recto Avenue sa Maynila patungo ng Barangay Santolan sa Pasig City. (Mer Layson)

AYON

BARANGAY SANTOLAN

HERNANDO CABRERA

LEGARDA STATION

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAYNILA

MER LAYSON

PASIG CITY

RECTO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with