Bike parking ordinance, aprubado na sa QC
MANILA, Philippines — Magkakaroon na ngayon ng espasyo ang mga bisikleta sa mga malalaking establisimento sa Quezon City partikular sa mga malls. Ito ay makaraang aprubahan ng QC council ang QC Ordinance SP-2369, S02-14 na layong maglaan ng bicycle parking space sa mga kliyente o kostumer ng malalaking establisimento sa lungsod tulad ng malls, supermarkets, grocery stores, banko at restaurants.
Sa ilalim ng QC Bicycle Parking Ordinance na nilagdaan ni Mayor Herbert M. Bautista, ang lahat ng major business establishments sa lungsod ay kailangang maglaan ng parking space para sa mga bisikleta na may metal railings upang ang mga may-ari nito ay maayos na mapapangalagaan ang kanilang mga sasakyan.
Kapag inisnab ang ordinansang ito, ang sinumang indibidwal o major business establishment na representative ng presidente, general manager o OIC ng management ng establisimento ay pagmumultahin ng P3,000 o pagkakakulong ng hindi lalampas sa anim na buwan.
“Bicycles have been a staple of everyday life throughout the city. It is the most frequently used method of transport for community work, school, shops, and others. It also offers a degree of exercise to keep individuals healthy. It allow people to travel for leisure since it is three times as energy efficient as walking and three to four times as fast,” pahayag ni Councilor Allan Benedict Reyes, author ng naturang ordinansa.
- Latest