^

Metro

‘Toda Alkansiya’, aarangkada sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakatanggap na ng ka­­ukulang benepisyo mula sa Social Security System (SSS) ang mga tricycle driver at operators­ sa Quezon City  tulad­ ng health, loan at iba pang benepisyu mula sa naturang ahensiya.

Ito ay makaraang magka­sundo  ang SSS at si QC Vice Mayor Joy Belmonte para pagkalooban ng kaukulang ayuda  ang mga TODA members at officers na sumailalim sa TODA summit kamakailan.

Kaakibat nito ang pagkakaloob  sa mga nabanggit ng alkansiya para maturuan ang mga itong makapagtago ng anumang halaga mula sa arawang kita sa pamamagitan ng proyektong TODA na may malaking maitutulong sa kani kanilang pamilya.

Gagawin ang pagkakaloob ng Alkansiya sa March 10 ng taong ito.

Sa nasabi ring araw ay pangungunahan ni Belmonte ang paglulunsad ng demo farm sa Bistek Ville sa Brgy. Kaligayan at Amlac Subdi­vision sa Brgy. Payatas na dito nakapaloob ang Urban Farming project ng una.

Ang pataniman na kakikitaan ng mga halamang gulay tulad ng pechay, mustasa, repolyo at iba pa ay takdang e-turn over ni Belmonte sa naturang mga barangay upang sila ang magmantine at magpadami ng mga gulay na kanilang mapapagkunan para sa arawang panganga­ilangan sa mga lutuin.

Bukod dito, magkakaloob din dito si Belmonte ng mga buto ng mga pananim, materials, tools na kailangan sa pagpapasigla ng halamanan sa naturang mga barangay.

AMLAC SUBDI

BELMONTE

BISTEK VILLE

BRGY

QUEZON CITY

SHY

SOCIAL SECURITY SYSTEM

URBAN FARMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with