^

Metro

Palubha nang palubhang trapik, iniiyak ng mga motorista

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirereklamo na ng mga motorista ang walang humpay at palubha nang palubhang trapik sa Metro  Manila na sinasabayan pa ng road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), muling magsasagawa ng road re-blocking sa ilang lugar ng Metro Manila at asahan ang masikip na daloy ng trapiko.

Ayon sa MMDA, muling sisimula ito alas-10:00 ngayong gabi at matatapos alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes (Marso 2).

 Kabilang sa apektadong lugar partikular sa bahagi ng Northbound ay ang Kahabaan ng Mindanao Avenue mula Arty 2 hanggang  Old Sauyo Road, 3rd lane. Sa eastbound ay ang kahabaan ng Batasan Road mula DSWD hanggang Payatas Road, 1st inner lane. Kahabaan ng Congressional Avenue Extension mula Tandang Sora Avenue hanggang Luzon Avenue, 2nd lane.

 Kahabaan ng C.P. Garcia Avenue mula Velasquez Street hanggang  Katipunan Avenue, 2nd lane. Dahil dito, payo ng MMDA sa mga motorista dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang iwas abala.

BATASAN ROAD

CONGRESSIONAL AVENUE EXTENSION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GARCIA AVENUE

KAHABAAN

KATIPUNAN AVENUE

LUZON AVENUE

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MINDANAO AVENUE

OLD SAUYO ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with