^

Metro

Bagong traffic scheme sa loob ng Intramuros, simula sa Lunes

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May pagbabagong ipatutupad na traffic scheme sa loob ng Intramuros, Maynila simula sa darating na Lunes (Marso 2).

Sa inilabas na advisory ng Intramuros Administration, gagawing one-way na lang ang General Luna St. at Arzobispo St. habang dalawang lane na lang ang ipagagamit sa Andres Soriano Avenue.

Maliban dito, ang mga sasakyang manggagaling sa Andres Soriano Ave. ay hindi na makakadiretso sa Muralla St . at sa halip ay dapat nang kumaliwa sa ibang kalye. Maglalagay naman ng permanenteng harang dito.

Hindi na rin padadaanan sa sasakyan ang Sto. Tomas St. mula sa gilid ng Manila Cathedral hanggang sa Plaza Sto. Tomas. Hindi na rin papayagan ang pagparada ng mga sa­sakyan sa Plaza Roma at sa gilid ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Inaasahang maapektuhan ng mga pagbabago ang mga manggagawa, mag-aaral at ilang negosyo sa lugar.

Paliwanag ng Intramuros management, layunin lamang nito na mapangalagaan ang mga makasaysayang mga kalsada at gusali sa loob ng Intramuros at paunang hakbang ang planong ipedestrianize ang Intramuros o ang paghimok sa mga lokal at dayuhang turista na maglakad sa paglilibot sa walled city.

ANDRES SORIANO AVE

ANDRES SORIANO AVENUE

ARZOBISPO ST.

GENERAL LUNA ST.

INTRAMUROS

INTRAMUROS ADMINISTRATION

MANILA CATHEDRAL

MAYNILA

MURALLA ST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with