Bomb scare sa tapat ng PGH
MANILA, Philippines – Nagdulot ng tensiyon sa mga security personnel ng Korte Suprema ang kahina-hinalang package na inabandona sa tapat ng University of the Philippines-Phillipine General Hospital (UP-PGH) sa Padre Faura, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Inspector Arnold Santos, ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD) , dakong alas -9:10 ng umaga kahapon nang mapansin ng mga sekyu ang kahina-hinalang malaking package sa mismong harap ng UP-PGH katapat lamang ng Supreme Court at malapit din sa Department of Justice (DOJ).
Agad na rumesponde ang EOD Team Viper 41 dala ang isang hitsurang maleta na EOD equipment na ang tawag ay “X-ray machine logos 200” na ginamit sa pagtukoy ng nilalaman ng package na pawang retasong construction materials lamang at wala namang anumang pampasabog.
Naging alerto lamang umano ang mga sekyu sa paligid dahil kahapon ay may malakihang rally sa EDSA kaugnay sa anibersaryo ng People’s Power.
- Latest