^

Metro

Taong gobyerno nadadawit sa droga, dumarami – PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Undersecretary Arturo­ G. Cacdac, Jr., base sa bilang na na­itala sa kanilang 2014 Annual Report,  umabot sa 190 public officials, na kinabibilangan ng 56 elected officials, 49 law enforcers at 85 government employees ang nadakip sa iligal na droga.

“This is 37.68 percent higher than CY 2013 where 138 government officials were arrested for violating the anti-drug law and the highest since 2011,” sabi pa ni Cacdac, dagdag pa na ang nasabing bilang ay patuloy na tumataas sa mga sumunod na taon.

Mula sa 56 na naarestong elected officials, isa ang municipal councilor sa Matanog, Maguindanao, habang 55 na iba pa ay alinman sa mga barangay chairman o barangay kagawad.

Sa hanay ng mga law enforcer, ang pina­ka­mataas na ranggong opisyal na naaresto ay may ranggong Chief Inspector.

Karamihan anya sa mga naarestong government officials at mga kawani ay mula sa Ilocos Region na may 25, kasunod ang Eastern­ Visayas 22. Sa Zamboanga Penin­sula at Northern Mindanao, ang pinakamataas na nakapagtala ng pagdakip sa mga law en­forcers sa bilang na 10 at 8.

Giit ni Cacdac, nakaka-alarma na ang pagtaas ng bilang ng mga government officials at law enforcers na nasasangkot sa aktibidad ng iligal na droga na dapat sana ay siyang tagapagpatupad ng batas, magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

ANNUAL REPORT

CACDAC

CHIEF INSPECTOR

DRUG ENFORCEMENT AGENCY DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO

ILOCOS REGION

NORTHERN MINDANAO

SA ZAMBOANGA PENIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with